Strict parents raise a good liars (Tagalog)

 

Ang mga magulang natin ay sadyang maalaga para sa atin. Ginagawa nila Ang lahat upang tayo'y maging ma disiplinang tao at maayos sa paningin ng iba. Hinuhubog Tayo ng ating mga magulang upang maging presentableng tao sa puntong may mga tinatawag na rules sa tahanan na kailangan sundin para ma sanay na Tayo sa maayos na pamamaraan. Strikto ang tawag natin sa mga magulang na may mga tuntuning ipinatutupad na kailangang sundin ng kanilang mga anak. Ngunit nakakabuti nga ba ang ganitong pamamaraan sa pagpapalaki ng mga anak?

Nakakabuti nga ang pagiging strikto ng ating mga magulang ngunit sa kabilang Banda ay hindi nila ito napapalaki sa kagustuhan nila kundi napapalaki nila ito ng marunong gumamit ng kasinungalingan.

Narito ang mga karaniwang ginagawa ng mga kabataan bunga ng striktong pagpapalaki sa kanila.

•Dahil sa ka-istriktuhan nila nakakalimutan na ng mga bata na magsaya sa kanilang mga edad. Natatakot ang nga bata na hindi nila maabot ang "expectations" na tinatawag ng kanilang mga magulang kung kaya Naman napipilitan silang gawin ang mga ito. Sa oras na sila ay nakapag saya nang Hindi alam ng kanilang magulang ay natututo silang gamitin ang kanilang kaalaman para pagtakluban ang kanilang ginawa.

•Itinatago nila Ang lahat ng kanilang ginagawa na Hindi Ayon sa kagustuhan ng kanilang magulang na sadyang nagpapasaya sa kanilang mga anak. Sila ay nananahimik sa mga nangyayari sa kanilang mga buhay.

•Pagpapanggap ay kanilang ginagawa upang maiwasan na mahuli at maiwasan din ang mas pagpapalalang striktong pagpapalaki.

•Marunong silang makiramdam sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Alam nila kung kailan nila ititigil ang kanilang ginagawa at bumalik sa kanilang pagpapanggap.

Ilan lamang ito sa mga gawaing ginagawa ng mga bata kabataang pinalaki sa pamamaraang strikto. 
Sa huli hindi maayos na mga anak ang kanilang ipinalaki kundi mga mahuhusay na mga sinungaling at magpapanggap. Kaya kaunting paalala lamang sa mga magulang na sobra ang pagiging strikto ay luwagan ito dahil sa huli hindi sila lálaki nang maayos kundi lálaki sila na sanay sa kasinungalingan.

 

Comments